PANDE-Mom (by Alice Sibal)

PANDE-Mom (by Alice Sibal)

Sa aking paggising, ako ay dali-daling
Kumaripas sa baba upang magsaing.
Nang mapansin ko lahat ay napailing,
Nay, kalma lang, dito lang kami at iyong kapiling.

Iba na pala ngayon takbo ng panahon,
Pandemya pala at sila’y work-from-home.
Walang lumalabas, WiFi ay wagas,
Aral at trabaho dito lang sa salas.

Dati si nanay kay aga gumising,
Paano si tatay on-the-go ang feeling
Suot na damit pati baong pagkain,
Kailangang ihanda, baka gutumin.

Ngunit ngayon, iba na ang takbo,
24/7, ang ina ay on-the-go
Walang maikubli, walang maitago
Kasiyahan man o pagod, ano ang bago.

Ilaw ng tahanan, ngayon mas kailangan,
Sa takot at lungkot ng lockdown na idinulot.
Konting tiis, kahit na may hapis
Diyos ang nagbigkis at nagbigay ng peace.

Digiprove sealCopyright © 2021 Jarys Sibal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *